Pare, sana pinanganak ako 10 years ago
Wednesday, November 7, 2007Pare, sana masakyan ko ang emo
Kase parang cool.
Pag tinitignan ko yung mga bata ngayon
Yung tipong 17 or 18
Napapansin ko
yung mga suot nila
Parang masyadong
Me kaartehan
At yung mga galaw nila
Lifestyle ganyan
Parang may kalamyaan
Peace sign na patagilid
sa ulo. O mga kanta
ng Dashboard Confessional
o Yellowcard ang inaawit.
May mga nagbabanda rin
at pansinin mo ang
mga hinirit
na lyrics.
"I'm sad. This pain
is the most beautiful
thing that ever happened in
my life. I want to end this
all now."
Tipong mas effective
ang release
ng teenage
frustrations
Di gaya dati
na pa Eraserheads-eraserheads
lang
Mabababaw ang lyrics
Mejo corny pa.
Tungkol sa kahit ano
Love, ordinaryong bagay
Sikat ka pag marunong kang maggitara.
Minsan nakinig ako ng emo na kanta
Parang ako'y nadala. Mejo nalungkot
May elemento sa musika na
talagang
ipaparamdam sa yo ang sakit,
ang lungkot
na naipon sa iyong damdamin.
At pag narinig mo na yung lyrics
ayun, anjan na yung mga luhang
nais pumatak.
Pero bente sais na ako
at di na bagay sa akin ang emo.
Buti pa sila naeenjoy ang uso
Pare, sana pinanganak ako 10 years ago.
Previous Comments
ayoko ng emo
































































pde ka pa rin naman magpaka-emo ang musika naman ay walang pinipiling edad
Posted by punkskaprincess at November 22, 2008, 8:28 pm