Home » Archives » November 2007 » Page 3

Alin ang mas matimbang?

Sunday, November 4, 2007

Pag tinanong ka ni Pepe Pimentel
"Kuwarta o ba o kahon?"
Anong isasagot mo?
Magiisip ka pa ba?
Ang kuwarta, nahahawakan
nagagamit na pambili
ng mga luho
sa katawan.

Ang kuwarta, pwedeng
makaakit ng mga kaibigan
Puwede ring makabili
ng panandaliang kaligayahan.
O pwede ring pangmatagalan
Basta ba't kaya nyang bilhin
ang anumang naisin mo't
gustong mahawakan.

Ang kuwarta, pwede minsang
pambili ng pag-ibig
pagkat ang pag-ibig sabi nga nila
ay napapagaralan.
"Dun ka na sa sigurado.
Dun ka na sa di ka maghihirap."
Yan ang sabi ng mga magulang
at mga kaibigan.
Tama naman sila.

Pero parang sumabay ka lang sa alon.
Pag hindi ka nag-kahon.
Yan ay ginawa na ng pagkarami
raming mga tao na nagplaplano
Na tahakin ang landas
upang guminhawa sa buhay.

Ang kahon nama'y walang kasiguruhan
di mo alam kung ikaw ay jajackpot
o mabobokya
at uuwing luhaan
o nanghihinayang
Ngunit ikaw lamang ang kaunaunahang
pipili nyan kung saka sakali.
Pagkat lahat sila'y pinili ang pera
Naniguro na
na parang madadala nila yung mga
kasiyahang
naranasan nila
sa kanilang huling hantungan.

Kahon na walang kasiguruhan
o kuwartang masasandalan?
Alin ang mas matimbang?

Sabihin na lang natin na isa kang langgam.

Parehong walang kuwenta di ba?

^_^

Posted by boyutal at 12:39 PM | permalink | comments[6]