Hindi Tayo Namamatay (September 24, 2008)
Sunday, August 9, 2009Pagsikat ng araw, harap agad sa salamin
Kita ang imahe mong kagagaling lang
sa dilim, pagkat
Ika’y nanaginip na ikaw daw ay namatay
Sabi mo sa iyong sarili, “Salamat ako pa’y buhay.”
Pero totoo ba?
Tiwala sa iba, nawala na at ang pinanghahawakan
na lang ay ang pag-asa na sa susunod na
araw ay humihinga pa.
Pero pag ang bawat segundo ng iyong relo
ay nagbibigay sa yo ng pagaalinlangan
Na wala ka ng patutunguhan kundi
sa kinalalagyan, sabihin nalang sa sarili
Na “Hindi ako namamatay.”
Isulat sa mga titik ang bawat hibla ng iyong hininga
At umasang mayroon sa mga ito’y magbabasa
At magugulat ka na buhay ang iyong kaluluwa sa
kanya. Hindi tayo namamatay, kapatid at
sa kalungkutan ay masanay ka na.
Kaligayahan na may kapalit na salapi
Laban sa kaalaman kung paano maging immortal
Saan ka pa ba papanig? Pag inudyok kang sumabay sa
agos, ikaw ay magpaanod. Bakit ka matatakot?
Ikaw ang tubig sa baha. Ikaw ang bato sa ilalim
ng ating mga paa.
Di tayo matitinag, di tayo magagapi
Di tayo mawawala. Hangga’t may
Titik, numero at kemikal, mananatili
tayo dito. Buhay ang ating kamatayan at
Kamatayan ating daan
Tungo sa simula.
Previous Comments
16Your blog is one of a kind, i love the way you organize the topics.
Posted by tiffany uk at June 3, 2011, 9:44 pm



























































15This was very informative. I have been reading your blog a lot over the past few days and it has earned a place in my bookmarks.
Posted by chinese tea at June 3, 2011, 8:43 pm