Home » Post Item » Sa bayan ni Juan, lahat posible (June 11, 2008)

Sa bayan ni Juan, lahat posible (June 11, 2008)

Sunday, August 9, 2009

Saan nakatira ang mga anghel at demonyo?
Sa bayan ni Juan, sila’y nagsasalusalo
Mahirap, mayaman, laging nag-iinuman.
Patayan, kahirapan, kurapsyon pero lumalaban
Kahit magpatayan sa loob ng bayan, di naman naguubusan
Pagkat may paniniwala sa Diyos at paniniwala sa himala.

Lugar ng milagro, lugar ng maligno
Tignan mo, Cardinal Sin at Ginang Aquino
Rebolusyong di madugo, pero tuloy pa rin
Ang snatchan, holdapan, inuman.

Pero pag ipinapadala sa labas ang mga anghel at demonyo,
Serbisyong totoo at makatao
Saan galing ang mga pinakamagagaling na nars sa buong daigdig?
Saan galing ang mga OFWs na nagpapakitang gilas at namumukod tangi?
Sa anumang larangan, maabilidad pero pa-humble lang
Pagdating sa bayan, tuloy pa rin ang bagsakan.

Pruweba ng himala.
Saan ka makakakita?
Na ang mga relihiyoso, sindikato, terorista at komunista
Ay magkakatabi lamang
Saan ka makakakita
Na ang mga droga ay parang kendi lamang na tinitinda sa
lansangan?
Ayos pa rin ang buhay at nangangarap na maiangat ang buhay
Pero bumabalik pa rin sa dati, wala ngang pagbabago.

Nabasa ko sa libro ni Einstein
Na ang speed of light ay 300,000 m/s
Parang Pinas na ang sukat ay 300,000 km^2
Sabi ni Einstein na ang bilis ng ilaw ay di nagbabago
Parang Pinas, kahit magpalit palit ng konstitusyon
Magpalit palit ng pulitiko
Ganun pa rin, di nagbabago.
Demokrasya at gabay ng Maykapal.

Demokrasya ang wika
Pagkat kahit saan, pwedeng umalma
Inaatake ang mga establisimento
Sa pamamagitan ng salita o gawa
Pero ginagabayan pa rin, ng MayKapal

Kahit ano kinakain
Walang arte arte, walang sakit sakit
Baryotik, Jologs, Baduy
Pero wag lalahatin pagkat meron ding mga sosyal dito
Seksi at pihikan, Seksi at liberated
Gimikan sa Timog, pasosyal sa Rockwell.
Lakad ka sa Quiapo, bili ng DVD at VCD.
Tignan si Imelda, nangurap pero hiwaga nya’y buhay pa rin
Halos lahat ng pulitiko, iniisip ng mga kababayan na nangungurap
Pagkat ang gobyerno’y dapat di siniseryoso.

Parelax relax, pabanjing banjing
Pag gustong magpasikat, naghahasa ng galing
Punta sa ibang bansa para makatakas daw sa kahirapan
Pero sa dugo nya’y hinahanap
Ang terorismo, holdapan, tsismisan
Pagkat boring ang sobrang katahimikan.

Ano ang kadakilaan?
Ang malaman na sa bayan ni Juan
Mas OK na sarili natin ay pahirapan
Kesa maghasik ng kalagiman
Sa sanlibutan.

Ayos ka, Pilipinas
Lugar ng anghel at demonyo.
Anghel at demonyong hangad
Ay paglingkuran ang nasa labas mo
Ng da best na serbisyo
Paimpress sa iba
Pero pagdating sa bayan mo
Tuloy pa rin ang rambulan
Hamunan, snachan, kurapsyon.
Laban sa sakit at mga krisis.
Parang magulang na ang hangad ay
maimulat sa mga anak ang lahat lahat.

Lugar ng mga dakilang siga
Lugar kung saan ang himala ay ginagawa.
Astig nga talaga.

Ano ang sabi ni HesuKristo?
Na sa kahirapan makikita ang kaharian ng Diyos.
Literal man o spiritual
Tumingin ka sa Pilipinas
At tatayo ang iyong balahibo.

Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting.
Ayos ang manggaya pagkat marunong tayong gumaya
Tignan mo ang krus na ginaya natin sa Kastila
Binigyan natin ng buhay upang paglingkuran
Ang ating mga kapwa.

Hudas, Barrabas, Hestas
Sabi nga ng biyenan ni John na ginampanan ni Dolphy.
Alam natin ang ibig sabihin nyan
At atin ng isiwalat ang katotohanan.

Trapik nanaman sa EDSA
Baha nanaman sa Escolta
Pero ayos lang, masarap magswimming sa baha.
Naaalala ko tuloy yung bahay namen na
Malapit ng makain ng ilog.
Ok lang kasi pwede naman ako sa kalye matulog.

Kahit na humingi ng pantoma sa Lola
Ok pa rin kasi nakikinig sa mga habilin nya
Importante’y kinakausap ang Lola
At nageenjoy kang batukan ka.
Rakenrol pa rin at meron pa ring gustong
umahon sa kahirapan.
Lilipat lang ng ibang bayan
At magpapakitang gilas sa mga dayuhan.
Ang kahirapang yon ang dahilan, upang kababayan
natin ay guminhawa.

Girl, boy, bakla, tomboy
Kahit ano basta ayos
Freedom of expression
Freedom of speech
Freedom of movements
At kung anu anong freedom pa yan
Andito sa loob ng bayan ni Juan

Kahit pinahihirapan na ng klima
Walang global warming global warming
Sana’y na sa sikat ng araw.
Pati krisis sa bigas ay di sineseryoso
Mahirap na nga, umaangkat pa ng bigas sa iba.
Parang sadista na nageenjoy lang.
Kain lang sa McDo o sa gotohan.
Kahit ano, wateber kumbaga.
Pero ginagabayan pa rin.
Diyos na agimat. Buhay na himala.

Ano ang ticket tungo sa tagumpay? Kahirapan
Ano ang ticket tungo sa salu-salo? Kahirapan
Ano ang ticket upang makapunta ka sa ibang bansa? Kahirapan
Ano ang ticket upang magkaroon ka ng magandang kinabukasan? Kahirapan

Dahil siguro di nagbabago ang Pinas, pagkat inaalagaan neto ang tiket tungo sa Kaharian ng Maykapal
Himala, materyal na kayamanan, spiritual na kayamanan, kawanggawa na di makasarili pagdating sa ibang bansa at mga kalagim lagim na senaryo sa loob. Parang mga anghel at demonyo na nagkikindatan lang. Dapat i-tour dito si Paris Hilton para matutunan nya kung ano ang “party” sa Tagalog.
Pilipinas, ang Lupang Hinirang, laging tulog pagkat busug na busog.
Tunay na demokrasya, sa isip, sa salita at sa gawa.


Posted by boyutal at 3:19 AM | permalink

Previous Comments

12This was very informative. I have been reading your blog a lot over the past few days and it has earned a place in my bookmarks.

Posted by chinese tea at June 3, 2011, 8:44 pm

19Your blog is one of a kind, i love the way you organize the topics.

Posted by tiffany uk at June 3, 2011, 9:42 pm

Add a comment