Whenever You Leave Me
Friday, April 30, 2010Hey, girl
How’s your day with him?
Is it fun?
Is it boring?
Please answer me
I wonder what you were doing
Every time you walk away
(Every time you walk away)
Smelling your dress
Is a perfect mess
Whenever you come home
At night
Suspicions envelop my
worried mind
Is the scent his perfume?
I can see kiss marks on your neck.
How can I try?
I cannot change you
Don’t wanna impose my rules on you
Even though, even if it breaks my heart
I can take it as long as we’re not apart
What can I do?
I can’t follow you
Wherever you go
Whenever you leave me.
What can I do?
I can’t follow you
Wherever you go
Whenever you leave me.
Centreville Street Patungong Queens Boulevard
Thursday, April 22, 2010Ang taas ng araw
Walang ulap
Naghihintay ng bus
Papuntang Queens Boulevard
Nakaoff ba yung mga ilaw?
Wala bang nakasaksak na appliances?
Nakasara ba yung ref?
Nakandado ko ba yung pinto?
Ayan na
At biglang tumigil ang bus
Isang Negrong driver
Ang sumalubong
Sa aking paningin.
“Thank you”
Pagkatapos mamili ng upuan
Inilabas ang iPod
Direcho agad sa kantang
“That’s what you get” ng Paramore
Oo, idol ko si Hayley Williams
Binagtas ang kahabaan ng Crossbay
Woodhaven.
Huminto sa Myrtle Avenue
At nagkaroon ng katabing babae.
“Kayganda naman neto”
May shota na ba sya?
Kamukha sya ni Uma Thurman
Hay.
Dear Lord
Tuesday, April 20, 2010Lord,
Ako lang ba ang taong humihiling na sana bumaba ang presyo ng hipon sa palengke?
Ako lang po ba ang taong nagnanais na magchampion ang LA Clippers?
Ako lang ba ang nag-aasam na mareincarnate si George Estregan?
Lord,
Ako lang po ba ang Pilipinong nagnanais na maging citizen ng Mozambique?
Ako lang po ba ang nagdadasal para sa kapayapaan ng mga tahanang may araw araw na domestic violence?
Ako lang po ba ang humihiling na sana mawala na ang coins at maging papel lahat ng pera?
Panginoon,
Sana kunin nyo na si Erap
Kasi lagi syang para sa mahirap
Kaya tuloy nagkakaroon ng mahirap
Kasi laging nirerepresenta ni Erap
Pag wala ng mahirap, ano pa ang purpose ni Erap?
At ni Villar?
Lord,
Sana matupad lahat ng aking kahilingan, Amen.
Para Sa Babaeng Intsik Na Ang Pangalan Ay Michelle
Salamat sa iyo at mas naenjoy kong kumain
Ng tokwa with sauce at patong nilechon
Sa restaurant nyong nilalamon na ng urban decay
Salamat sa iyong pagabot ng squeezed orange juice
At ng check
Dahil dito’y nagdampi pa ang ating mga balat
Ang saya saya
Dahil sa boses mong matinis at sa lengwahe mong Tsino-Ingles
Nagkaroon tuloy ng karagdagang buhay
Ang birthday celebration ni Ama
Sana sa susunod na balik ay nandoon ka pa.
Si Kaibigang Nozi
Sa bahay, lagi ko syang kasama
Parati siyang nakapatong sa mesa
Mahilig sya sa plastic
Lalo na yung kulay blue at pink
Gusto nya lagi syang nababasa
At nilulunok, ayaw nya nang niluluwa
May agimat na taglay
Pinapa-steady ang aking buhay
Kaibigang Nozi
Pag wala ka ako’y marahil
Ay nasa tabi tabi
Namumulot ng lata
At humihingi ng pangkape
Salamat sa yo’t
Pinapaganda mo ang aking
mga panaginip
Dinadala mo ako
Sa mga lugar na di pa
Nararating ng aking isipan
Paulit-ulit lang
Lunes hanggang Linggo
Saloy ng isang baso
Ng tubig mula sa gripo.






