Sa Babaeng Pinaglalaanan Ko Ng Konting Minuto, Araw-araw
Thursday, April 8, 2010Halik mong nakakahalina
Hininga mong nakakapagpagana
Mga katangiang iyong taglay
Na sa akin ay bumubuhay
Sa kuwarto, habang sinasabayan
Ang indayog ng iyong katawan
Tagatak na pawis ko ang
Sukli sa iyong presyosang oras
Sana ika’y panghabangbuhay
Pagkat ang tadhana ko’y maging
imortal
Di bale, ako nama’y nakakasiguro
Na ika’y makakasama, mawala man
tayo sa mapa.
Andito ka. Andito ka.


