Home » Archives » April 2010 » Page 2

Turo Ni Itay

Wednesday, April 14, 2010

Heto ang sibuyas
Hugasan mo nang mabuti
At iyong hiwahiwain
Para maiprito.

Habang ang sibuyas
Ay nakasalang
Samahan mo ng kamatis
Para maging manamisnamis

Ihalo mo na rin ang bawang
Wag mong isasama
Prituhin mo lang
At itapon mo pag-nagbrown

Sundan mo na ng inasinang
Isda. Huwag bigla pagkat
Ika’y matatalsikan ng mantika

Maghintay ka na ng dalawampung
minuto. O kung ang laman nito’y
Pwede nang mahimay.
Ayan pwede ka ng mag-asawa
Kaya umpisahan mo nang
maghanap buhay.

Posted by boyutal at 9:47 AM | permalink | comments[3]

Sa Subway

“What’s your order, Sir?”
Can I have a turkey sandwich?
Hearty Italian bread, please.

“What kind of cheese, Sir?”
The round, white ones
“Don’t you know the name, Sir?”
I don’t. I never had one before.
“OK. Toasted?”
Yes.

Can I have it with extra pepperoni?
“Sure.”
Fifty cents, right?
“Yes.”

“Lettuce?”
All of them.
“Jalapeno?”
All of them.

Mayonnaise, please.

“That’s it?”
Yes.

“Five ninety nine, Sir.”

Posted by boyutal at 9:47 AM | permalink | comments[4]

Sa Babaeng Pinaglalaanan Ko Ng Konting Minuto, Araw-araw

Thursday, April 8, 2010

Halik mong nakakahalina
Hininga mong nakakapagpagana
Mga katangiang iyong taglay
Na sa akin ay bumubuhay

Sa kuwarto, habang sinasabayan
Ang indayog ng iyong katawan
Tagatak na pawis ko ang
Sukli sa iyong presyosang oras

Sana ika’y panghabangbuhay
Pagkat ang tadhana ko’y maging
imortal
Di bale, ako nama’y nakakasiguro
Na ika’y makakasama, mawala man
tayo sa mapa.

Andito ka. Andito ka.

Posted by boyutal at 11:52 AM | permalink | comments[3]

Nakipagkwentuhan Ako Sa Isang Bum At Heto Ang Kanyang Mga Tanong

Tuesday, April 6, 2010

Mabibili ba ng pagmamahal ang kaligtasan?
Masusungkit mo ba ang mga bituin para sa kanya?
Tiyak bang sasaya sya sa piling ng iba?

Masosolusyonan ba ng bagong Pangulo ang problema ng bansa?
Mabibigyan kaya ako ng trabaho pag-uwi ko sa Inang Bayan?
Hindi na ba magugutom ang mga kababayan kong mahihirap?

Mananatili na lang bang malungkot ang mga naging boypren mo?
Mananatili na lang bang malungkot ang mga naging gerlpren mo?
Mananatili na lang bang malungkot ang mga naging fling mo?

Kelan bababa ang presyo ng Diesel at gasolina ng iyong kotse?
Kelan nila ititigil ang pagbebenta ng mga bottled water?
Kelan ba magiging gasolina ang mga tubig sa dagat?

Magsasawa ka ba sa kanya o mananatiling loyal ka, hanggang hanggang?
Paano na ang mga pangarap nating nabuo nung tayo pa?
Maiisipan mo bang pagtaksilan ang asawa mong ikaw lamang ang iniisip?

Ano ang silbi ng buhay na galing naman sa wala?
May dahilan ba ang ating pagkain at paghinga?
Paano kung biglang kunin ang iyong buhay ng isang taong kakilala?

Ano ba ang dapat gawin habang ikaw ay tumatanda?
Kelangan bang makisabay sa alon o tumaliwas na lang?
Dapat bang umiwas sa sakuna at intindihin ang mga responsibilidad?

Bakit?

Posted by boyutal at 12:37 PM | permalink | comments[2]