Home » Archives » July 2010

Ha, Minahal Kita Agad

Thursday, July 22, 2010

Wala pang isang minuto
Nang ika’y tinitigan ko
Tumibok agad ang aking puso
Ano bang gayuma ang taglay mo?

Oo, mahal na yata kita
Huwag mo sanang isipin
Na ako’y nahihibang
O nababaliw.

Posted by boyutal at 11:15 AM | permalink | Add comment

Dahan dahan

Wednesday, July 21, 2010

Dahan dahan
Kitang kakargahin
At tayo’y magpapatangay
Sa simoy ng hangin
Tungo sa lugar
Na kung saan
Ang pagmamahal
At yaman sa mundo
Ay pareho lang.
Huwag magalala
Pag ika’y nalulula na
Ako ay iyong kalabitin
At ilalaglag kita
Hahayaang tumubo
Ang pakpak
Upang di ka masaktan
Sa iyong pagbagsak.

Posted by boyutal at 7:15 AM | permalink | Add comment

Lahat, Bago?

Saturday, July 3, 2010

Bagong damit.
Bagong sapatos.
Bagong pabango.
Bagong presidente.

Bagong patakaran.
Bagong batas.
Bagong pamamalakad.
Lumang mga problema.

Posted by boyutal at 10:08 AM | permalink | Add comment