Home » Archives » 21. July 2010

Dahan dahan

Wednesday, July 21, 2010

Dahan dahan
Kitang kakargahin
At tayo’y magpapatangay
Sa simoy ng hangin
Tungo sa lugar
Na kung saan
Ang pagmamahal
At yaman sa mundo
Ay pareho lang.
Huwag magalala
Pag ika’y nalulula na
Ako ay iyong kalabitin
At ilalaglag kita
Hahayaang tumubo
Ang pakpak
Upang di ka masaktan
Sa iyong pagbagsak.

Posted by boyutal at 7:15 AM | permalink | comments[16]