Long Distance
Tuesday, August 10, 2010Bakit ikaw ay nasa malayo?
Siguro intinadhana ng Diyos
Na maging ganito tayo
Upang mas lalo tayong manabik
sa isa’t isa.
Bakit, Siguro
Bakit hindi ako makaisip ng mga linya
Kapag ako’y gumagawa ng mga tulang
Para sa iyo?
Siguro’y dahil walang katumbas na salita
Ang aking nararamdaman
Para sa iyo.


