Ako Ang Buwan At Ikaw Ang Mga Bituin
Friday, September 10, 2010Sa langit, pag gabi
Ikaw ay marami
Ako nama’y mag-isa lang
Maganda nga’t marami ka
Para magenjoy akong
Bilangin ka
Habang ika’y kumukutikutitap
At sa paligid mo’y kadiliman
Alam kong pinapasaya mo
Ang mga nagbibilang sa yo
Gaya ko
Sana’y manatili kang ganyan
Sana’y manatili kang ganyan.
See You In 2888
I found you
But you’re not available
I calculated
Like how astronomers did
With the stars and planets
Like how alchemists did
With their stones and vitriols
I will see you in 2888
We’ll be together then.
Sa Mga Larawan Mo
Sa tuwing namimiss kita
Tinitignan ko ang iyong larawan
Pinagmamasdan ko kung paano
Ka magproject, paano ka ngumiti
At ako’y napapangiti na rin
Salamat at pinopost mo online lahat
Ng mga kuha mo sa iyong kamera
Sana magkita tayo sa hinaharap
At nang makita ko na ang aking sarili
Sa mga larawan mo.
Ikaw Ay Mamamatay Din Naman
Bakit ka ba nagpapakayaman?
Ikaw ay mamamatay din naman
Bakit ka ba nagpapaganda?
Di mo ba alam na
Papangit ka sa iyong pagtanda?
Bakit mo iniintindi ang mga problema?
Huwag nang magisip masyado
Lahat naman nito’y nasa ating mga
Ulo
Lilipas din naman ang mga ito
Lumabag sa batas, huwag ikatakot
Ikukulong ka lang naman
At tandaan mo na laging malaya
Ang isipan
Bakit mo iniisip na laging may
dapat patunayan
Wala naman silang pakialam
Mabuhay nang simple lang
Mabuhay nang walang paghahambing
Sa iba
Mabuhay nang nag-iisa
Kailangan ba natin ng mga kaibigan?
May mga boses ka namang naririnig
Maniwala sa sarili, kaya mo yan
Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili
Pwede namang umayaw ka’t magpakalayo
Tumanggap ng pagkatalo, mas bibilib pa sila sa yo.
Pero pag di mo na kaya
Umupo lang sa isang tabi
Magsindi ng isang yosi
At sabihin sa sarili
“Tayo ay mamamatay din naman. Bakit pa?”


