Jumping Over The Wall
Monday, September 17, 2007(ABOUT LOVE w/ many hindrances)
(20mins kinompose)
I am good
Well, can you see the picture?
What am I supposed to do
When I am not seeing you.
My mind is out, searching for you
But can you find me?
Doesn’t it matter, cold water
The day is hot and the sky is blue.
I am jumping over the wall
I might cross it or I might fall.
I am jumping over the wall
I might cross it or I might fall.
Sick and tired of being me
Can you feel it?
Do you feel your heart, your healthy heart
With love that came to me.
Can we live together
Even in imagination
Can we go together
Riding on the train of conscience.
I didn't know that I made this till my one and only penpal told me that it was my poem. I can't blame myself because this was written 10 or 11 years ago so…
What if this poem was my child? 10-11 year olds are usually in Grade 4-5 and tbh, I can't imagine myself having and taking custody of a grade 4-5 kid at the moment…
This Is For My ONE AND ONLY Penpal
Monday, September 10, 2007This is song for you… You know who you are..
Dati ala pang email
pero penpal kita
Highschool pa tayo nun
Pero ang cute ng ating drama
Pag me sulat kang darating
Para akong mapapraning
Napupuyat sa kaiisip
Ng mga bagay na sasabihin
Ilang taon na rin ang lumipas
Nalimutan ko na yung mga nakasulat
Sa papel na sana'y tinatago mo pa
PAgkat gusto akong hiramin yan
At basahin ng maigi yung mga titik
Na naisulat para malaman kung nililigawan kita
oi oi!
Poems are just music-less lyrics
Saturday, August 25, 2007Here are the lyrics of the original songs that I composed.
nananabik
o aking binibini
asan ka ba ngayon
miss na miss na kita
gusto kitang mayakap
o ano ok ka ba?
mahimbing ba ang iyong tulog
sana ay ok ka kase
ako ay ok rin
sa tuwing ikay aking nakikita
ang araw ko ay gumaganda
dalangin koy andito ka
upang akoy iyong lambingin
tampuhan
ilang gabi na hindi tumutunog ang pesteng telepono
nakaupo sa monoblock na regalo mo nung birthday ko
andito sa bahay kong nilayasan mo
kase isang araw ay nagaway tayo
gusto mo ng french fries pero
ang inorder ko ay number five nung nagdate tayo sa mcdo
ilang gabi na hindi tumutunog ang pesteng cellphone ko
tinitignan ang cute na picture na kinuha mo nung anniversary natin
sana ay nandito ka
para ayusin natin ang problema
ang hirap isipin
kung bakit nagkaganito
ang sitwasyon natin
Copyright ha.
Pitaka
(isang tula ni boy utal)
Binili kita sa Marshall's Rego Park
Uso ka pa dati.
Yung de kadena na pwedeng isipit sa lalagyanan
ng sinturon.
De butones. Ala kang zipper.
Pag binuksan ka me dalawang malulutong
na tunog.
Ganun din pag sinarado ka.
Dala-dala lagi pag punta sa labas
pag me bibilhin, pag me pupuntahan
pag papasok sa iskwela.
Ikaw ang me hawak ng cash na pambayad
kase ala pa akong credit card.
Inoorganisa mo yung mga importanteng
papeles na pwedeng itiklop at isisiksik
kahit saan.
Buti na lang anjan ka pitaka ko.
Pag wala ka, sa bulsa ko pihado
ilalagay yung mga importanteng mga bagay
sa buhay,
sa alanganin at mababaw kong bulsa.
Kung sakasakali mapadpad ako
sa lugar na ala akong kilala
Ikaw pitaka lamang ang makakasama
Maasahan pagkat asayo ang mga
listahan ng mga numero ng telepono
ng mga kamag-anak at mga kaibigan.
Pero ala pala akong cellphone.
Kung sakaling mawala na ang mga
mahal sa buhay o dili nama'y mabangga
ng bulalakaw ang mundong ating ginagalawan
Ikaw, pitaka ko, ang huli kong makakasama
Ikaw ang magbibigay ng lakas ng loob
pagkat nasa sayo
ang mga larawan
ng mga mahal ko sa buhay.
Akin lamang silang titigan.
Pawi ang anumang sakit na
nararamdaman.


