Isinusulat Ko Ito Na Para Bang Huli Ko Na (Part I)
Sunday, November 21, 2010Mga katanungang bumabagabag sa aking isipan
Mga katanungang natanong ko na dati
Mga katanungang tinatanong ko uli ngayon
Kasi di pa ito nasasagutan
Bakit ba ganyan?
Bakit ba ganon?
Ano ang nasa dako pa roon?
Maraming tanong
Ang napapalitan na lang ng mga bagay
Tulad ng
“Paano ako liligaya?”
“Ano ang magiging trabaho ko?”
“Sino ang aking magiging asawa?”
“Ako ba ang magiging mayaman sa mundo?”
“Gagaya ba ako o magiimbento ng bago?”
“Paano ba ako magiging mabuting anak?”
“Asawa? Ina? Ama? Kapatid? Kaibigan?”
“Mamamayan?”
“Susuporta ba ako sa gobyerno?”
“O magiging sakit lang ng ulo?”
“O wala na lang akong magiging pakialam?”
At kung anu ano pa.
Tanong ko lang naman
Habang ako’y nabubuhay pa.
Bakit ako pinanganak? Bakit ako kumakain ng kanin? Bakit sa Pilipinas?
May purpose ba ako? Pinadala ba ako para maging superhero?
O maging sakit ng ulo sa mga magulang, gaya ng karamihan?
Tulad din yan ng tanong ko kanina
O sige na nga
Siguro nandito ako upang isulat ko ito
At ibrodkast upang mabasa ng isang taong
Nalulungkot sa buhay
Nawawalan ng pag-asa
Nagsasawa sa pagpipilian
Nagaasam ng bago
O naghihintay lang habang pinapalipas ang oras.
Para Kang (Part 2 na ba ito?)
para kang hinog na prutas na walang pumipitas
para kang babaeng perpekto - walang peklat, walang depekto
para kang katahimikan - di maintindihan pero nandyan lang
para kang tunay na pagibig - nandyan lang pero di makamtan
para kang tsokolate - mas masarap pag mapaparami
para kang karunungan - mas ok pag sakto lang
para kang mataas na bundok - mas nakakaginhawa pag nasa tuktok
para kang sex - mas exciting habang may nakatutok
para kang bibliya - matalinghaga pero nakakagaan ng kalooban
para kang matino - nakakaipon ng pera sa kakatrabaho
para kang di-matino - eccentric ang tawag ng mga mayayaman
para kang baliw - mangilan-ngilan lang ang nakakasakay sa ganitong estado ng isipan
121 beats per minute
bumibilis, bumibilis, bumibilis
121 beats per minute
hindi naman ako sumasayaw
di nilalagnat o di giniginaw
nakaupo lang at tinitignan
ang iyong larawan
bakit kaya? ako’y nagtataka
tumataas, tumataas, tumataas
ang bilang ng tibok ng puso kong
pumipigtas
sa usual na gawain
nagsasawa nang kumain
nakakalimutan nang mabuhay
di ko na alam, wala na akong alam
buti na lang may bukas pang puwedeng
gawing dahilan
pero hanggang kailan lang?
kahit na may mga taong nambuwibuwisit
kahit na may mga taong naiinggit
(kahit na nasa kanila na ang lahat, mga buwisit)
sige lang, wala na akong pakiramdam
sa bilis ng pulso ko
kayo na ay aking nakalimutan
magpakayaman na kayo
kayo ay mamamatay din naman.
mataas ang adrenaline?
naguumapaw na caffeine?
para bang naka cocaine
kahit di ko pa iyon natitikman
kasabay ba ng galit ang pulso kong
nagaalburuto
pati mga doktor ng amerika
di alam ang dahilan nito
baka tinatamad lang sila
baka ayaw lang nila akong gamutin
dahil ba sa aking itsura
dahil ba sa wala akong pera
121 beats per minute
puwede nila akong gawing exceptional case
hindi ba?
sadya ba akong naging health conscious
nang nalaman kong di ordinaryo ang bilang ng aking pulso
di naman ako ganito dati
di seryoso
walang pakialam
may sariling mundo
nayanig dahil nga sa kaso ko
yung ninanais kong mangyari sa iba
ay finally ay puwedeng mangyari sa akin
ito ba ay karma?
karma, totoo ka nga.
Para Kang
Wednesday, October 20, 2010Para kang posporo
Mainit pag nagliliyab
Para kang lighter
Pag pinipihit, umiispark
Para kang sigarilyo
Pag sinindihan, umuusok
Nagliliyab, umiispark, umuusok -
Yan ang mga katangian mong
Bumighani
Sa akin.


