Home » Page 4

Ikaw Ay Mamamatay Din Naman

Friday, September 10, 2010

Bakit ka ba nagpapakayaman?

Ikaw ay mamamatay din naman

Bakit ka ba nagpapaganda?

Di mo ba alam na

Papangit ka sa iyong pagtanda?

Bakit mo iniintindi ang mga problema?

Huwag nang magisip masyado

Lahat naman nito’y nasa ating mga

Ulo

Lilipas din naman ang mga ito

Lumabag sa batas, huwag ikatakot

Ikukulong ka lang naman

At tandaan mo na laging malaya

Ang isipan

Bakit mo iniisip na laging may

dapat patunayan

Wala naman silang pakialam

Mabuhay nang simple lang

Mabuhay nang walang paghahambing

Sa iba

Mabuhay nang nag-iisa

Kailangan ba natin ng mga kaibigan?

May mga boses ka namang naririnig

Maniwala sa sarili, kaya mo yan

Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili

Pwede namang umayaw ka’t magpakalayo

Tumanggap ng pagkatalo, mas bibilib pa sila sa yo.

Pero pag di mo na kaya

Umupo lang sa isang tabi

Magsindi ng isang yosi

At sabihin sa sarili

“Tayo ay mamamatay din naman. Bakit pa?”

Posted by boyutal at 4:21 AM | permalink | comments[4]

Naghihintay

Saturday, August 14, 2010

Meron

May gusto akong sabihin

Mahal kita

Ako’y mahal mo ba?

Kahit ang sagot mo’y “hindi”

Mamahalin pa rin kita

Maghihintay ako magpakailanman

Hanggang sa ako’y matutunan

Mong mahalin.

Posted by boyutal at 8:30 AM | permalink | comments[5]

Ikaw

Tuesday, August 10, 2010

Ikaw ang aking kasiyahan
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos
Ikaw ang may kagagawan
Kung bakit ako natutuwa ng lubos

Alaala mo ang nasa isipan
Tuwing ang mundo’y nakahinto
Di na ako nagaalinlangan
Nandito ka na sa aking puso

Wala na akong hihilingin pa
Ikaw lang ang aking mamahalin
Ikaw at ako, tayo lang dalawa
Isinulat na ng tadhana sa hangin.

Posted by boyutal at 10:17 AM | permalink | comments[2]

Sa Jollibee

Alas onse i-medya na
Naghihintay sa mesang
Malapit sa pintuan
Lumalamig na ang
ispageti with chicken joy
Na inorder kaninang
alas onse.
Nasaan ka ba?
Natrapik ka lang ba?
O may emergency
at kailangang nandoon ka?
Di na kita nahintay
At inumpisahan ko nang
Kumain.

Naubos ang pagkain at
Nawala ka sa aking isipan
Dala ka lang pala ng aking gutom.

Posted by boyutal at 7:41 AM | permalink | comments[2]

Pikit

Those eyes
are such a beauty
Window to your soul
And means
To know
Who wrote you
This pathetic poem.

I love you
Yes, you read it.

Posted by boyutal at 7:40 AM | permalink | comments[2]