Para Sa Iyo
Tuesday, August 10, 2010Sabi nila, ang buhay ay di tiyak
Hindi alam kung kailan tatawa o iiyak
Pero isa lang ang alam kong laging tama
Ito ay ang mahalin ka sa tuwi-tuwina.
Babae Sa Aking Panaginip
Babae sa aking panaginip
Nais ko na namang maidlip
Para mayakap ka’t mahalikan
Sa ating dating tagpuan
Minsan di ako makatulog
Sa lakas ng tugtog
Mula sa aking puso
Tangna, umaawit pala ito
Ikaw kasi tinuruan mo
Ito ba’y dahil iyong gusto
Na gabayan ako
Sa oras na ako’y
Gising at wala sa iyong
Piling?
Di kita maaring ipagpalit
Sapagkat sa yo lamang ako
dumidikit
Sa oras na ang mata ko’y
aking ipikit.
Babae sa aking panaginip
Pwede ka bang maging totoo
Yung nahahawakan ko
Kahit isang saglit?
Para Sa Isang Kaibigang Nasa Pransya
Handa akong languyin
Ng anim na oras
Ang Atlantiko
Maibigay ko lamang sa iyo
Ang rosas na iniwan
Mo sa aking alaala.
Iniisip Kita
Iniisip kita
Iniisip kita nang sobra
Iniisip ko kung paano ka
Magtimpla ng kape
Sa umaga
Nilalagyan mo ba to ng
asukal
O iniistraight mo lang?
Teka umiinom ka ba ng kape?
Baka naman hinde.
Iniisip ko kung paano mo
Inaalagaan ang iyong mga anak
Binabantayan mo ba sila
Magdamag?
Sa kanila’y mas marami ka bang mga “huwag”?
Siguro naman ay nagtitiwala ka na
Kasi medyo malalaki na sila
Iniisip ko kung paano mo sinisimulan
Ang araw mo
Priority mo ba ang iyong trabaho
O may oras ka pang umibig
Nagtataka tuloy ako kung meron
Ng mga nanliligaw sa yo
Baka ang puso mo’y mas lalo nang
sumisikip
Sa dami namin. Pero sana wala pa.
Iniisip ko rin yung mga iniisip mo
Kung ano yung mga pangarap mo
Kung ano yung mga nakapagpapasaya sa yo.
Saka ko na itatanong
Kapag nagkaroon na ako ng lakas ng loob
Hay, sana napapasaya kita lagi.
Sana iniisip mo rin ako
Kasi iniisip kita.


